Friday, October 30, 2009

Elmo

i lifted this from www.maveangazetteonline.blogspot.com, my children's school's online school paper. bea wrote this poem for her little bro elmo after he was reprimanded by his father for being too roly-poly.



Elmo

ni Beatrice Adeline Tulagan

Nag-iingay ka, iyon kasi ang dahilan.
Ilang beses nang sinabihan ay wala pa rin.
Sa sobrang kulit mo, nakatikim ka tuloy ng todo.
Wala na ang tawang nakaplaster sa mukha mo.

Sinundan kita, sa kwartong madilim.
Nakadapa ka sa kama, patuloy pa ring humihikbi.
Nagtatago sa kumot, basa na rin ang unang yakap mo.
Ayaw na ayaw kong nakikita kang ganito.

Linapitan kita, sinubukang lambingin;
Nang sa gayo’y mapawi ko man lamang ang sakit.
Pero tila nahihiya ka, patuloy na lumalayo.
Sana’y alam mong ako’y andito.

Binulungan kita, sinubukang patahanin.
Ngunit malayo pa rin talaga ang tingin.
Hinalikan ko ang noo mo, paalis na rin ako.
Ang mapag-isa, siguro’y yun talaga ang gusto mo.

Maya-maya, kakatok ka na sa aking kwarto.
Sisilip kang bahagya, mag-aayang manuod.
Kalungkutan ay bakas pa rin sa mukha mo.
Pero ngingiti ka, dahil alam mong ikaw ang bunso ko.

No comments: